^

Bansa

SC kinalampag uli sa toll hike

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon sa Korte Suprema ni Atty. Ernesto Francisco na ikonsidera ang naunang desisyon nito na nag-aalis sa temporary res­training order kaugnay sa planong pagtataas ng toll fee.

Base sa 100-pahinang  motion for reconsi­deration na isinampa ni Francisco, iginiit nito na hindi umano ma-determina ng Toll Regulatory Board (TRB) kung ang contractor at operator ay may kapangyarihan sa pagtataas ng singil sa toll.

Bukod dito labag din umano sa saligang batas ang pagbibigay ng gobyerno sa TRB ng ka­pangyarihan para pumasok sa kontrata  para sa construction, operation at maintenance ng “toll facilities”.

Iginiit ni Francisco na walang karapatan  at hindi magiging patas ang TRB na duminig sa petisyon para sa initial toll rates at rate adjustments.  

Bukod dito, magi­ging moro-moro lamang umano ang anumang public hearing na gagawin ng TRB dahil ito ang partido at signatory sa Supplemental Toll Operation Agreement (STOA).

Paglabag rin umano  sa karapatan ng publiko ang gagawing pagtataas  ng singil na tila pinapatay na ng foreign investor ang mga motoristang Filipino.

Nauna nang sinabi ni Francisco na hindi pa maaring magtaas ng singil ng  toll sa south luzon expressway sa kabila ng ginawang pagbawi ng Korte Suprema sa ipinalabas nilang TRO na pumipigil sa dagdag-singil sa toll sa SLEX dahil hindi pa naman pinal ang disisyon ng SC.

BUKOD

ERNESTO FRANCISCO

HINILING

IGINIIT

KORTE SUPREMA

NAUNA

SUPPLEMENTAL TOLL OPERATION AGREEMENT

TOLL

TOLL REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with