P-Noy ikinumpara kay Obama
MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang na hindi puwedeng ikumpara si US President Barack Obama kay Pangulong Noynoy Aquino dahil mag kaiba ang dalawa.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, nahalal si Obama dahil sa mga economic crisis ng nakaraang administrasyon at nag-alok siya ng mga bagong reporma sa kanyang pamahalaan.
Samantala si P-Noy ay nahalal dahil sa nais na pagbabago ng Filipino sa pamamahala mula sa anti-corruption stand nito.
Magkaiba rin anya ang pulitika ng bansang US at Pilipinas.
Halos nasa kalagitnaan na ng kanyang termino si Obama habang si P-Noy ay nasa ika-5 buwan pa lamang ng kanyang administrasyon.
Magugunita na tinatayang aabutin din ni Aquino ang pagbagsak ng popularidad nito tulad ng nangyari kay Obama ng matalo ang kanyang partido sa mid-term election sa US.
- Latest
- Trending