^

Bansa

Intel Fund ni P-Noy tinapyasan

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng austerity measure ng adminis­trasyong Aquino, tinap­yasan ng Malacañang ang sariling intelligence fund ng Office of the President.

“Ito ay alinsunod sa simulain ng pagtitipid at ng hangarin naming bawasan ang paggugol ng mga hindi nakaprograma at hindi idinaraan sa audit,” paha­yag kahapon ni Presidential Communications Ope­rations Office Sec. Her­minio Coloma.

Ayon kay Coloma, ang pagbabawas sa intelligence fund ay mungkahi ni Executive Secretary Pa­quito Ochoa, Jr. “alang-alang sa simulain ng transparency at maingat na paggugol ng pondo.”

Sinabi ni Coloma sa pagdinig na idinaos sa Senado, hiniling ni Ochoa ang badyet na P4.075 bilyon na mababa ng 4.3 porsiyento sa P4.259 bilyong badyet ng nag­daang administrasyon dahil sa patakaran ng Pa­ngulong Aquino na maging maingat sa paggugol ng pondo.

Binanggit niya na ito rin ang badyet na pinagtibay ng Committee on Appropriations ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ipinaliwanag ni Ochoa na binawasan ng Tang­gapan ng Pangulo ang mga balak pagkagastahan ng iba-ibang tanggapan sa loob ng Malakanyang at binuwag pa ang ilang opi­sina sa ilalim nito. 

Idinugtong pa niya na ang salapi para sa Intelligence Fund ng Palasyo at Presidential Anti-Organized Crime Task Force ay inilaan na para sa pondong kailangan ng dalawang bagong opisina.

Alinsunod kay Ochoa, sa susunod na taon ang pondo para sa Maintenance, Operating and Other Expenses (MOOE) ay kinaltasan ng P163.9 milyon at ang professional services ang kinaltasan ng pinakamalaking halaga na umaabot sa P152.7 mil­yon. Idinugtong niya na ma­laki rin ang nabawasan na halagang gastos sa pagpapaimprenta, pagpa­paanunsiyo, biyahe at representation expenses.

AQUINO

COLOMA

EXECUTIVE SECRETARY PA

IDINUGTONG

INTELLIGENCE FUND

MABABANG KAPULUNGAN

OCHOA

OFFICE OF THE PRESIDENT

OFFICE SEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with