P-Noy, mga kapatid dumalaw sa puntod ng magulang

MANILA, Philippines – Dinalaw kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III at kanyang mga kapatid ang puntod ng kanilang magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Isang misa ang ginanap sa puntod nina dating Pangulong Co­razon Aquino at dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa Manila Memorial Park dakong alas-11:00 ng umaga.

Kasama ni Pa­ngulong Aquino ang kanyang mga kapatid na sina Pinky Aquino-Abellada, Ballsy Aquino-Cruz, Viel Aquino-Dee at kanyang mga bayaw at pamangkin.

Inulan din ng mga bulaklak ang puntod ng magulang ni P-Noy mula sa mga supporters nito na unang dumalaw noong Nov. 1. (Rudy Andal/Danilo Garcia)

Show comments