Aksidenteng nakapatay sa ventilator ng paralisadong amo, isang Pinay - DFA

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pinay nurse ang aksidenteng nakapatay ng ventilator ng kanyang paralisadong amo sa London ng nakalipas na taon.

Sa report ng DFA, kasalukuyan na nilang tinutulungan ang Pinay na si Violeta Aylward, 55, matapos na matiyak at makunan na CCTV na siya ang nag-turn off ng life-support system ng kanyang British patient na nakilalang si Jamie Merrett, 37, noong Enero 2009.

Si Merrett, base sa report ay naparalisado matapos ang car accident noong 2002.

Bunga ng nasabing insidente, ang lisensya ni Aylward sa pagiging nurse ay nasuspinde noong Oktubre 2009 ng British regulatory board o Nursing and Midwifery Council habang inaantay ang pormal na pagdinig sa kaso nito.

Mula sa video na nakunan ng CCTV noong Oktubre 25, 2009 lumalabas na napindot ni Aylward ang button ng ventilator ni Merrett kaya tumigil ang paggana ng makina.

Ang nasabing CCTV ay ikinabit mismo ni Merrett matapos na maghayag na hindi siya kuntento sa serbisyong ibinibigay sa kanya ng ahensyang Ambition 24hours na pinapasukan ni Aylward.

Pinapakikita din sa video na sinubukan ni Aylward na i-re-start ang ventialor subalit lalong lumala ang sitwasyon nang magkamaling maikabit nito sa bunganga ng pasyente ang resuscitation equipment imbes na ipasak sa isang butas sa leeg ng pasyente.

Nailagay lamang ng mga paramedics ang ma­kina matapos na-restart ito pagkaraan ng 21 minuto subalit dahil sa tagal na hindi nakalanghap ng oxygen ang pasyente ay nagkaroon ng matinding pinsala sa kanyang utak.

Show comments