^

Bansa

P300 milyon natipid ng Comelec sa Barangay, SK polls

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa P300 milyon ang umano’y na­tipid ng Commission on Elections (Comelec) sa na­ka­lipas na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Rafanan, chairman ng Bids and Awards Committee at hepe ng Law Department ng Comelec, na nakatipid ang komisyon ng P253.5 milyon sa procurement ng mga ginamit na election supplies at paraphernalia.

Matatandaan na nakatanggap ang Comelec ng alokasyon na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon para sa October 25 Barangay at SK elections.

Paliwanag ni Rafanan na ang P163 milyon sa nasabing halaga ang natipid sa forwarding services na pondong P230 milyon, P48.5 million lamang mula sa P158 milyon na budget ang nagamit para sa ballots and canvassing forms at P42 milyon mula sa P231 milyon na pondo para sa iba pang supplies.

Iginiit ni Rafanan na nabigong gamitin sa katiwalian at panunuhol ang budget ng komisyon kaya umano maraming galit sa kanya at nagnanais na alisin siya sa kanyang pinamumunuang posisyon sa BAC.

Maging ang ilang mga taga-Comelec ay hindi rin umano natuwa sa hala­gang natipid.

Si Rafanan ay isa sa mga opisyal ng Comelec na iimbestigahan ng Fact Finding panel ng Comelec na binuo upang siyasatin ang aberya sa preparas­yon, bidding, printing, packing at delivery ng mga election materials na nagbunsod sa postponement ng lokal na halalan sa ilang barangay.

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

COMELEC

FACT FINDING

FERDINAND RAFANAN

IGINIIT

LAW DEPARTMENT

MILYON

RAFANAN

SANGGUNIANG KABATAAN

SI RAFANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with