27 pulis sa 'Maguindanao' babasahan ng sakdal sa Nob. 10

MANILA, Philippines - Itinakda ng Quezon City court ang pagbasa ng sakdal sa 27 pulis na akusado sa Maguindanao massacre sa Nobyembre 10, 2010.

Una nang inutos ni QC Regional Trial Court Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes na ipagpaliban muna ang arraignment at busisiin muna ang kanilang mga pending petition sa korte at tingnan kung may probable cause para idiin ang mga ito sa kaso.

Gayunman, nagtakda rin si Reyes ng pagbasa ng sakdal sa 27 akusado makaraang ihayag ng kanilang mga abugado na hindi na maaaring mahadlangan ang mosyon nila na maisagawa na ang arraignment sa lalung madaling panahon.

May kabuuang 196, kasama na ang mga Ampatuan, ang akusado sa kasong pagpatay sa 57 katao kabilang na ang 31 mediamen sa Maguindanao noong Nob. 23, 2009.

Show comments