MANILA, Philippines - Lumalakas ang bagyong Katring habang patuloy ang pagkilos sa may hilaga hilagang kanluran.
Gayunman, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na si Katring ay malayo pa para makaapekto sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ganap na alas 11 ng umaga kahapon, namataan ng PagAsa si Katring sa layong 810 kilometro silangan ng Northern Luzon taglay ang lakas ng hanging 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 90 kilometro bawat oras
Si Katring ay kumikilos sa hilaga hilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras .
Ngayong Martes ng umaga, si Katring ay inaasahang nasa layong 720 kilometro silangan ng Northern Luzon at nasa layong 660 kilometro silangan hilagang silangan ng Northern Luzon ng Miyerkules at nasa layong 700 kilometro hilagang silangan ng Northern Luzon sa Huwebes ng umaga.