^

Bansa

10 taon sa ex-PNP official, 2 pa

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan First Division ng 10 taong pagkabilanggo si retired Chief Supt. Juan Luna, dating PNP deputy director for comptrollership at dalawang retired police officials matapos mapatunayang nagkasala sa kasong graft may kinalaman sa maanomalyang pagbili ng combat clothing at individual equipment na may halagang P20 mil­yon may mahigit 18 taon na ang nakararaan.

Kasama sa nahatulan sina Chief Inspectors (ret.) Joven SD. Brizuela at Danilo Garcia.

Bukod sa 10 taong kulong, inatasan din ang mga ito ng graft court na ibalik sa gobyerno ang buong halaga sa sinasabing ‘ghost purchases’ ng PNP hinggil dito.

Sa record ng korte, lumabas na ang PNP Cordillera Regional Command (Crecom) ay nag-isyu ng 250 tseke mula sa Land Bank of the Philippines na may halagang P20 milyon na nakalagay kay Brizuela bilang payee at siya ang nabigyan ng otorisasyon para maipapalit ang tseke sa cash.

Ang pera ay nai-turn over kay Garcia sa harap ni Luna.

Ang anomalya ay nabuko nang lumabas ang ilang opisyal ng Crecom commands tulad nina Chief Insp. Prospero Noble ng PNP Ifugao at Supts. Manuel Raval ng Abra, Rolando Garcia ng Benguet, Rodrigo Licudine ng Regional Mobile Force, Juan Refe ng Northern Luzon Training Center, Conrado Peregrino Jr. ng PNP Kalinga-Apayao at Amparo Cabigas ng Headquarters Services na nagsasabing pineke sa dokumento ang kanilang mga pirma.

Sa kasong ito, napa­walang sala naman sina Director Guillermo T. Domondon at Supt. Van D. Luspo dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nagdidiin sa kanila sa nabanggit na kaso.

Samantala ang isa pang akusado sa kasong ito na si Supt. Armand Agbayani ay nananatiling nakakawala at pinaghahanap ng batas.

AMPARO CABIGAS

ARMAND AGBAYANI

BRIZUELA

CHIEF INSP

CHIEF INSPECTORS

CHIEF SUPT

CONRADO PEREGRINO JR.

CORDILLERA REGIONAL COMMAND

CRECOM

DANILO GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with