^

Bansa

Ordinaryong preso bigyan din ng amnesty

-

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) si Pa­ ngulong Aquino na bigyan din ng amnestiya ang ibang mga ordinar­yong preso na matagal nang nakakulong.

Ito’y matapos pirmahan ng Pangulo ang prokla­masyon na nagbibigay ng amnesty sa 300 sundalo na kasama sa tatlong destabilization laban sa administrasyon ni dating Pangulong Arroyo.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Executive Director Rodolfo Diamante, mas dapat na bigyan ng amnestiya ang mga ordinaryong bilanggo kaysa sa mga mutineers. Umaabot sa 96,000 inmates ang nakakulong ngayon habang “hundreds” lamang ang inire­komenda sa Board of Pardons and Parole para ma­bigyan ng amnesty.

Hindi umano dapat na gayahin ni Aquino ang ginawa ng nakaraang administrasyon kung saan binigyan lamang ng am­nestiya ang mga high-profile offenders gaya nina convicted rapist at dating Rep. Romeo Jalosjos, convicted killer Claudio Tee­hankee Jr., at dating pa­ngulong Joseph Estrada.

Kung nais umano ni Aquino ng pagbabago, kailangan din nitong ba­guhin ang sistema at dapat itong magsimula sa kan­yang administrasyon.

Dapat na rin anyang si­mulan ni Aquino ang pag­papatawad sa mga nag­kasala ng mga ordinar­yong krimen. (Doris Franche/ Mer Layson)

AQUINO

BOARD OF PARDONS AND PAROLE

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CLAUDIO TEE

DORIS FRANCHE

EPISCOPAL COMMISSION

JOSEPH ESTRADA

MER LAYSON

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with