RP may pinakamaraming kaso ng breast cancer sa Asya

MANILA, Philippines - Kasabay ang pagdiriwang ng International Breast Cancer Awareness Month ngayong Oktubre, nagbabala kahapon si Senator Pia Cayetano na ang Pilipinas na ang may pinakaraming kaso ng breast cancer  sa Asia ayon sa ulat ng Philippine Breast Cancer Network.

Sinabi pa ng senadora na pang-siyam ang Pilipinas sa may “highest incidence rate” ng breast cancer sa buong mundo.

Bagaman at hindi tinukoy ni Cayetano sa kaniyang privilege speech kung ilan na ang may breast cancer sa bansa, sinabi naman nito na isa sa bawat apat na na-diagnosed na may breast cancer ang namamatay sa loob ng 5 taon at hindi bababa sa  40%  ang namamatay sa loob ng 10 taon.

 “This is because breast cancer is often detected in its late stages due to low public awareness and lack of information about the disease,” ayon kay Cayetano.

Mahalaga aniya na ma-educate ang mga mamamayan sa panganib na dulot ng breast cancer at dapat marunong mag “self breast examination” ang lahat.

Napakamahal din umano ang pagpapagamot kung saan unang procedure ang mammography o ultrasound.

Umaabot umano mula P10,000-P100,000 ang treatment para sa stage 1 at 2 ng breast cancer patients kasama na ang surgery. Nasa P5,000 naman ang halaga ng bawat session ng chemotherapy o P30,000 sa loob ng anim na cycles.

Para naman sa stage 3, ang surgery  ay mula P10,000-P100,000 pero ang chemotherapy ay nasa P 100,000 per session o P600,000 for six cycles.

Halos ganito rin umano ang nagagastos ng mga stage 4 cancer patients pero mas malaki ang nagagastos niya sa gamot .

Ayon pa kay Cayeta­no, hindi dapat mag-aksaya ng oras ang lahat at maging ang mga lalaki ay dapat magsagawa ng breast examination.

Show comments