^

Bansa

Army troops nakaligtas sa roadside bombing

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas ang tropa ng mga sundalo sa dalawang magkakasunod na insidente ng roadside bombing ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Sorsogon, kamakalawa at kahapon ng tanghali.

Ayon kay Army’s 9th Infantry Division (ID) Spokesman Major Harold Cabunoc, naganap ang unang insidente sa Brgy. Buenavista, Irosin, Sorsogon , pasado alas-8 ng umaga.

Kasalukuyang buma­bagtas sa lugar ang tro­pa ng Army’s 49th Infantry Battalion (IB) matapos ihatid ang mga mediamen nang pasabugan ng Improvised Explosive Device (IED) ng mga rebeldeng komunista.

Masuwerte namang hindi nasapul sa pagsa­bog ng bomba ang mili­tary vehicle at ligtas na na­kabalik ang mga sundalo sa kanilang himpilan.

Sa isa pang insidente, dakong alas-12 naman ng tanghali nitong Lunes ng muling magpasabog ng bomba sa highway ang mga rebeldeng komunista habang dumaraan ang mga sundalong miyembro ng 49th IB sa Brgy. Botol, Casiguran, Sorsogon.

Nakaligtas sa insidente ang mga sundalo dahilan hindi ito nasapul sa pagsabog bagaman nauntog at nagtamo ng bukol sa ulo ang isa sa mga ito sa lakas ng pagsabog kung saan ay bahagyang napinsala ang sinasakyan ng mga itong KM 15O Army truck.

AYON

BOTOL

BRGY

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

SORSOGON

SPOKESMAN MAJOR HAROLD CABUNOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with