PNP handbook sa media safety 'one-sided'
MANILA, Philippines - Hiniling ng National Press Club (NPC) sa Philippine National Police (PNP) na rebisahin ang inilabas nitong “handbook” para sa kaligtasan ng mga miyembro ng media bago tuluyang ipamahagi sa mga mamamahayag dahil sa kawalang konsultasyon sa pagbuo nito.
Sinabi ni NPC President Jerry Yap na nasorpresa sila sa publikasyon ng naturang handbook na hinihinala nilang “one-sided” dahil hindi naman nakunan ng opinyon ang mga tunay na media na siyang paksa sa naturang libro.
Sinabi ni Yap na inihayag na ng NPC noon pang Agosto na magpapalabas sila ng sariling handbook kung saan kokonsultahin ang lahat ng eksperto sa seguridad kabilang na ang PNP at mga organisasyon sa media.
Hindi umano maaaring ipilit ng PNP ang naturang handbook sa mga mamamahayag hanggang hindi inaaprubahan ng NPC kung tama ang mga nakasaad dito.
- Latest
- Trending