Maghanda sa La Niña
MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ng isang senador ang publiko na paghandaan ang parating na La Nina na magsisimula ngayong Oktubre.
Sinabi ni Senador Teofisto Guingona III na dapat nang magbalangkas ang gobyerno ng disaster management system upang paghandaan ang La Niña.
Dapat aniyang magkaroon ng epektibong Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) system ang gobyerno para hindi na maulit ang pinsalang dinulot ng bagyong Ondoy, Frank at Pepeng.
Matatandaan na sinabi ng PAGASA na magsisimula ang La Niña sa pagitan ng Oktubre at Disyembre.
Posible umano itong tumagal nang hanggang unang bahagi ng 2011.
“The nature of calamities has changed dramatically. We cannot afford to be complacent in the face of the predicted above than normal rainfall that will hit our country,” saad pa ni Guingona.
- Latest
- Trending