^

Bansa

Senior citizens mamumuno sa Caloocan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Bilang pagkilala sa kanilang mga naibigay na kontribusyon sa kanilang komunidad ay pamumunuan ng mga senior citizen ang Caloocan City Hall kung saan ay isang linggong magiging department heads ang mga ito.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, taon-taon ay binibigyan ng lokal na pamahalaan ng pagkilala ang mga senior citizen kung saan ay gagampanan ng mga ito ang tungkulin ng mga elective at appointed officials sa buong lungsod.

Noong Lunes (October 4, 2010) ay sinimulan ang programa para sa mga senior citizen sa pamamagitan ng flag raising at turn-over ceremonies sa Bulwagang Katipunan na dinaluhan ng mga opsiyal at empleyado ng city hall.

Isa-isa ring itinuro sa mga napiling senior citizen ang mga tungkulin ng bawat departamento na kanilang hahawakan sa loob ng isang linggo na magtatapos sa Biyernes, October 8.

Matapos ang isang linggong paghawak sa mga naibigay na tungkulin sa bawat departamento ay makatatanggap ng simpleng regalo ang mga senior citizen bilang pagkilala sa naibahagi ng mga ito.

AYON

BILANG

BIYERNES

BULWAGANG KATIPUNAN

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

ISA

NOONG LUNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with