^

Bansa

'Notice to proceed' giit sa Laguna lake rehab

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Kilusang Lawa Kalikasan (KLK) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maglabas ng notice to proceed para sa P18.7-bilyong Laguna Lake Rehabilitation Project.

Iginiit ni KLK spokesperson Gil Navarro na ang mga babala ng Pagasa na ang La Nina ay magdudulot ng ma­lakas na pag-ulan sa mga susunod na buwan ay nararapat na mag-udyok kay Environment Secretary Ramon J. P. Paje na bigyan ng green light upang masimulan na ang dredging ng 94,900-ektaryang Laguna de Bay.

Ani Navarro, nauubos na ang panahon at yaong mga nagpapabagal sa proyekto ay dapat na panagutin sa pinsalang idudulot ng baha na tiyak na daranasin ng Laguna at ng Kamaynilaan kung hindi pa sisimulan ang paghukay sa lawa.

Binigyang-diin ni Navarro na nasa 13 milyon hang­gang 14 milyon ang namumuhay sa paligid ng lawa at karatig na National Capital Region (NCR) at kung patuloy na sasama ang kalagayan ng Laguna de Bay at ang kapasidad nitong humawak ng tubig ay hindi mapapainam, lahat ng mamamayan sa Lake Region at higit pa ay magdurusa.

ANI NAVARRO

BINIGYANG

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENVIRONMENT SECRETARY RAMON J

GIL NAVARRO

KILUSANG LAWA KALIKASAN

LA NINA

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROJECT

LAKE REGION

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with