^

Bansa

Jueteng Mafia pumalag sa STL

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni DILG Undersecretary Rico Puno na winawasak siya ng mga jueteng lords dahil sa pagsusulong niya ng reporma sa Small Town Lottery (STL) sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nauna rito, ibinunyag ni Puno sa Senado na noon pang Sept. 17 siya nagsumite sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng 5-pahinang panukala kung papaano mapapalakas ang STL at mapupuksa ang jueteng.

Ayon kay Puno, tatlong hakbang ang iminungkahi niya sa kanyang sulat kay PCSO chair Margarita Juico, kabilang ang pagpaparami ng STL outlets mula 82 tungo sa 1,400 upang masapawan ang operasyon ng jueteng sa buong bansa.

Ngunit ipinagtaka ni Puno kung bakit biglang idinawit ang pangalan niya sa jueteng noong Sept. 21 matapos niyang kumilos upang puksain ito sa pamamagitan ng pagpapalakas sa STL.

Nauna rito, ibinuking ng isang kabo ng jueteng sa Luzon na ang jueteng mafia ang nasa likod ng mga paninira kay Puno.

Binatikos naman ng grupong Citizens for Good Governance and Public Accountability (CGGPA) sina Sens. Francis Pa­ngilinan at Miguel Zubiri dahil sa pagsakay sa mga paratang sa jueteng ni retired Archbishop Oscar Cruz kahit walang nailabas na ebidensya ito.

Maging si Pangulong Aquino ay nagsabi noong siya’y nasa New York na dapat magkaroon ng due process dahil, bagamat nag-offer na si Puno na magbitiw, hindi nararapat na umaksyon ang isang Pangulo batay sa sabi-sabi lang.

Sinabi ni Puno na sa kanyang panukala kay Juico, pinatataasan rin niya ang STL franchise fee mula P10 milyon tungo P20 milyon upang talagang isulong ito ng mga franchise holder dahil sa laki ng kanilang investment at maglagay ng STL draw sa bawat bayan sa halip na sa provincial level upang mapasok ng STL ang grassroot market kung saan kumukuha ng mananaya ang mga jueteng lords.

Sinabi naman ng citizens’ group na CGGPA na kaduda-duda ang timing ng jueteng allegations nina Archbishop Cruz at Sen. Miriam Defensor-Santiago dahil inaasa­hang popondohan ng mga jueteng lord ang kampanya ng kanilang pinapaborang kandidato sa barangay at SK elections.

vuukle comment

ARCHBISHOP CRUZ

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

FRANCIS PA

GOOD GOVERNANCE AND PUBLIC ACCOUNTABILITY

JUETENG

MARGARITA JUICO

MIGUEL ZUBIRI

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with