Mobile STL operations vs jueteng isinulong
MANILA, Philippines - Isang Filipino firm ang nagsusulong ng computerization ng Small Town Lottery (STL) operations sa pamamagitan ng mobile STL operations upang tuluyang malabanan ang jueteng sa bansa.
Ayon kay Benedict Bulatao, pangulo ng Batangas Enchanted Technology System Inc. (BETS) na franchise holder ng STL sa Batangas, ang mobile STL ang nakikita niyang epektibong programa upang tuluyang masugpo ang jueteng sa bansa.
Ayon kay Bulatao, ang mobile STL ay gagamit ng software system integration na walang daya at ito ang nakikita niyang epektibong panlaban sa jueteng.
Inaasahan ni Bulatao na sa ilalim ng bagong pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay mailulunsad na sa susunod na buwan ang GSM-capable machines na para sa STL operations.
Aniya, masisiguro ng publiko na walang daya ang mobile STL dahil 24/7 koneksyon nito kahit sa pamamagitan ng mobile phones.
“The mobile STL system also allows real time placing of bets and paperless transactions nationwide,” paliwanag pa ni Bulatao.
- Latest
- Trending