^

Bansa

BDZ makikipagtulungan sa gobyerno

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Handa ang Bagger­werken decloedt en Zoon N.V. na makipagtulungan sa pamahalaan ng Pilipi­nas para masagot ang ilang depektong teknikal para matiyak na matata­pos sa Hunyo 2012 ang Laguna Lake Rehabilitation Project.

Ginawa ng BDZ ang pahayag kahapon maka­raang sabihin ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources sa isang pag­dinig sa Senado na mag­lalatag sila ng mga kundis­yon bago sila pumayag na ipagpatuloy ang pro­yek­tong ikinontrata noon ng pama­ halaang Arroyo sa naturang kumpanyang Belgian.

Sa pagdinig sa Senate finance commuttee, sinabi ni DENR Secretary Ramon Paje na kailangang mag­ka­roon ng reforestation sa Marikina watershed, third-party monitoring team na susubaybay sa proyekto at ang pagmamapa sa delineation ng mga hangganan ng Laguna Lake.

Sinabi naman ng BDZ sa pahayag nito na, para matiyak na magtata­gum­pay ang proyekto, isinama nila ang ganitong usapin sa kontrata dahil isina­alang-alang nila ang pag-aalala ng kabilang panig sa kapaligiran.

Nauna sa Laguna Lake rehabilitation project, ki­nontrata rin ang BDZ sa Pasig River dredging pro­ject na nakumpleto noong Agosto.

AGOSTO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GINAWA

LAGUNA LAKE

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROJECT

LAGUNA LAKE.

PASIG RIVER

SECRETARY RAMON PAJE

SHY

ZOON N

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with