^

Bansa

IIRC 'nalilito' sa mananagot sa hostage crisis

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pinuna ni Atty. Salvador Britanico, dating pa­ngulo ng Philippine Trial Lawyers Association at partylist representative ng 14th Congress, na mali­naw sa Incident Investigation and Review Committee (IIRC) report na nalilito ito kung sino ang panana­gutin sa insidente.

Natali daw kasi ang IIRC sa sinasabi sa crisis management manual & established international hostage protocols na nililimita sa lowest level o sa mga nasa pinaka­ma­babang posisyon ang res­ponsibilidad sa mga hostage incident para malimi­tihan ang bargaining power ng hostage taker.

Hindi kasi malinaw dito kung ano ang responsibili­dad ng mga nasa mata­taas na posisyon.

Gaya na lamang anya ng kaso ni DILG Usec. Puno na inako ang respon­sibilidad ni DILG Sec. Jesse Robredo sa National Crisis Committe. Malinaw umano sa manual na ang mandato ng DILG secretary ay pulungin at umakto bilang chairman, pero nakakapagtaka umano na si Robredo pa ang vice-chair ng IIRC committee kung saan sa nangyaring pagdinig ay lumilitaw na kritikal at bias umano ito laban kay Puno at sa PNP na siya ang may overall responsibility.

Maituturing umano na “comedy of errors” ang report na kailangang hima­ying mabuti ng Mala­cañang legal panel.

Samantala, ayon sa mga taga­masid, para ma­ tukoy ang nag-leak sa na­wawalang pahina, dapat pag-aralan ang motibo, oportunidad at pasilidad ng gumawa nito.

GAYA

INCIDENT INVESTIGATION AND REVIEW COMMITTEE

JESSE ROBREDO

MAITUTURING

MALINAW

NATIONAL CRISIS COMMITTE

PHILIPPINE TRIAL LAWYERS ASSOCIATION

PUNO

SALVADOR BRITANICO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with