Laguna Lake Rehab ligal - Ejercito
MANILA, Philippines - Above board at saklaw ng Official Development Assistance mula sa pamahalaang Belgian ang P18.7 bilyong 18.7-billion Laguna Lake Rehabilitation project na pinatunayan din ni Justice Secreyary Leila de Lima kaya walang iregularidad dito.
Ito ang inihayag ni Laguna Governor ER Ejercito para pabulaanan ang reklamo ng ilang sektor na labag umano sa Government Procurement Law ang supply contract sa Belgium-based na Baggerweken Decloedt En Zoon N.V. (BDC).
Naunang iginiit ni de Lima na hindi maituturing na midnight deal ang proyektong kinontrata ng dating pamahalaang Arroyo dahil walang anomalya sa paggawad ng kontrata sa kumpanyang Belgian.
Saklaw anya ito ng ODA na nagtuturing sa proyekto bilang isang kasunduang ehekutibo, ayon pa kay Ejercito. Sinabi pa ni Ejercito na, dahil isang kasunduang ehekutibo ang pagkontrata sa BCD, hindi na kailangan ang permiso ng government procurement policy board.
“Para saan ang opinion ng DOJ? Isinaad ng DOJ na balido, legal at epektibo ang proyekto. Ibig bang sabihin, hindi nila kinikilala ang kakayahan ni Sec. De Lima? Tina tangka ba nilang antalahin ang proyekto? Sino ang makikinabang dito?” tanong ng gobernador.
- Latest
- Trending