MANILA, Philippines - Binigyan na ng ‘go signal’ ni Pangulong Aquino na magkaroon ng official residence ang tanggapan ng pangalawang-pangulo ng bansa.
Pinahintulutan na ng Pangulo ang kahilingan ni Vice-Pres. Jejomar Binay na gamitin bilang official OVP residence ang Coconut Palace na nasa CCP complex.
Samantala, sinabi din ni Binay na baka matagalan pa ang pag-alis ng high level team na magpupunta sa China at Hong Kong upang pormal na ipabatid ang IIRC report. Hihintayin pa nila ang direktiba ng Pangulo hinggil dito bago umalis ang grupo na kanyang pamumunuan.
Sa kabilang dako, inimbitahan naman ng China si Pangulong Aquino para sa isang state visit kasunod ng naging imbitasyon dito ng Vietnam.