^

Bansa

Tony Boy damay din?

-

MANILA, Philippines - Nakaladkad din kahapon sa isyu ng jueteng ang kamag-anak ni Pangulong Aquino na si Antonio “Tony Boy” Cojuangco, live-in partner ng actress na si Gretchen Baretto, matapos umano nitong lapitan si Archbishop Oscar Cruz upang sabihan na maghinay-hinay sa isyu ng jueteng.

Ayon kay Cruz sa pagdinig ng Senado, noong nakaraang Biyernes, dakong alas-9 ng umaga nagtungo sa kaniyang tanggapan si Cojuangco.

“Meron pong pumunta sa akin ...’to take it easy’  ang substance,”sabi ni Cruz.

Nabanggit ang pangalan ni Cojuangco matapos tanungin ni Sen. Jinggoy Estrada si Cruz kung may lumapit sa kaniyang  kamag-anak o kaibigan na malapit kay Pangulong Aquino upang sabihan siya na huwag kaladkarin ang pangalan ni DILG undersecretary Rico Puno.

Bagaman at hindi kaagad naalala ni Cruz ang pangalan ni Cojuangco, inilarawan naman niya na boyfriend ito ng artistang si Barretto.

Ipinahiwatig umano ni Cojuangco na maghinay-hinay si Cruz sa pagbubunyag sa jueteng pero hindi naman na­ngako ang obispo na susundin ang kahilingan sa kaniya.

Inamin naman ni Puno na humarap din sa hearing na magkaibigan sila ni Cojuangco, pero itinanggi nito na hiniling niya rito na puntahan ang obispo.

Nadismaya naman ang mga senador kay Puno sa pagtanggi nito na pangalanan ang mga diumano’y lumapit sa kaniya na mga “kaibigan at kamag-anak” na nais siyang ipakausap sa ilang indibiduwal na diumano’y may koneksiyon sa jueteng.

vuukle comment

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

COJUANGCO

CRUZ

GRETCHEN BARETTO

JINGGOY ESTRADA

PANGULONG AQUINO

PUNO

RICO PUNO

TONY BOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with