^

Bansa

Walang palakasan sa housing loans - Binay

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - “Walang palakasan, walang sinuman na bibigyan ng pabor para sa mga housing loans.” 

Ito ang ipinangako ni Vice President Jejomar Binay kasabay ng paniniguro na magpapatupad sila ng reporma sa Home Deve­lopment Mutual (Pag-IBIG) Fund para mahikayat ang mga developers na magtayo pa ng mga socialized housing units.

Si Binay ang namumuno sa Housing and Urban Development Coordinating Council at chairman ng Board of Trustees ng Pag-IBIG Fund.

Sa kanyang pagdalo sa Subdivision and Housing Developers Association (SHDA), inilatag din ni Binay ang ilan sa mga repormang balak ipatupad ng pamahalaan sa funding, processing time ng loans at titling of lands.

Siniguro rin niya na kanyang aayusin ang problema sa malaking pagkakaiba ng loanable Pag-IBIG funds.

Anya, ang Pag-IBIG ay bumubuo ng isang bagong polisiya na magsasama ng isang ceiling computation para sa single borrower limit (SBL) sa lahat ng loans ng mga developers, ma­ging ito ay institutional o end-buyers financing.

Kabilang sa kasaluku­yang SBL policy, ang mga developers ay maaring makahiram ng aabot sa P3 billion para sa institutional loan. Maaring mag-avail rin sila ng end-buyer’s loan sa mga walang SBL. 

Sinabi ni Binay na ang ganitong polisiya ang siyang nasamantala umano ng Globe Asiatique para makahiram ng P8 billion mula sa Pag-IBIG – P5 billion sa end-buyer’s loan bukod sa P3 billion institutional loan.

BINAY

BOARD OF TRUSTEES

GLOBE ASIATIQUE

HOME DEVE

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

PAG

SI BINAY

SUBDIVISION AND HOUSING DEVELOPERS ASSOCIATION

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with