Impeachment vs Gutierrez may 'sustansiya' - House
MANILA, Philippines - ‘Sufficient in substance,’ ito ang deklarasyon ng House Committee on Justice sa dalawang impeachment complaint na isinampa laban kay Chief Ombudsman Merceditas Gutierrez sa Mababang Kapulungan.
May 41 kongresista ang pumabor na may sustansiya ang nasabing reklamo ni dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros, samantala may 14 kongresista ang hindi sumang-ayon sa reklamo.
Nauna rito, pinaburan din ng komite ang ikalawang reklamo nina Bayan Muna Secretary General Renato Reyes at mga kasamahan nito na nagsampa din ng impeachment complaint laban kay Gutierrez matapos pumabor sa kanila ang may 41 kongresista, 16 ang umayaw at isa ang hindi bumoto.
Noong isang linggo ay dineklara ng komite na ‘sufficient in form’ ang reklamo laban kay Gutierrez.
Gayunman, bibigyan ng nasabing komite ng 10 araw para sagutin ni Gutierrez ang mga kasong isinampa laban sa kanya at kung may probable cause.
“The complaint is hereby declared sufficient in substance,” sinabi ni Iloilo Rep. Neil Tupaz, kahapon ng umaga.
- Latest
- Trending