'Flying eye hospital' nasa Pinas
MANILA, Philippines - Isang DC-10 aircraft na tinawag na ‘flying eye hospital,’ ang lumapag sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pag-aari ng isang US-based charitable organization ang narito sa bansa para tulungan ang mga Filipino na may kapansanan sa mata.
Ang eroplano ng Orbis International Flying Eye Hospital ay nasa Pilipinas para sa mga pasyente na nangangailangan ng kanilang tulong. May kasama itong mga medical staff tulad ng eye-care professionals, nurses, technicians at aviators na bumibiyahe sa ibat-ibang sulok ng daigdig upang magbigay ng libreng eye surgery at pagsasanay sa mga medical personnel. Tatagal ng dalawang linggo ang mga ito.
Ayon kay Dr. Noel Chua, director ng St. Lukes International Eye Institute, ang paglapag sa bansa ng ‘flying eye hospital’ ay kaalinsabay sa National Blindness Prevention Month na ang layunin ay makatulong sa mga mahihirap upang makaiwas sa mga sakit sa mata.
- Latest
- Trending