^

Bansa

Media puwera sa gag order - DOJ

- Nina Gemma Garcia/Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi sakop ng ipinalabas niyang gag order ang pagko-cover ng media sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa hostage incident nitong Agosto 23.

Ginawa ng kalihim ang paglilinaw matapos na pagbawalan ng mga awtoridad na i-cover ng media ang ginawang pagsisiyasat ng mga Hong Kong investigators sa bus na nakalagak sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Sinabi ni de Lima na malaya pa rin ang media na mag-cover at gumawa ng istorya at ang ipinagbaba­wal umano sa gag order ay ang wala sa panahong pagsisiwalat ng PNP at NBI sa resulta ng isasagawang imbestigasyon.

Nabatid na nagulat umano si NBI Director Magtanggol Gatdula sa biglang pagdami ng media sa Camp Bagong Diwa kasama ang mga mamamahayag mula sa HK kaya nilimitahan nila ang bilang ng mga ito.

Wika naman ni de Lima, ang kailangan lamang sundin ng media ay ang kaayusan sa panahon ng coverage upang hindi ma­kagulo sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

Samantala, sisimulan ngayon ng Malacañang ang pakikipag-dayalogo sa media kaugnay sa pagbalangkas ng dapat maging panuntunan sa pagsasagawa ng live media coverage sa mga crisis situation.

Kumpirmadong dadalo sa media dialogue sina GMA 7 Jessica Soho at ABS-CBN Maria Ressa. Nagkumpirma din ng attendance si RMN-DZXL Jake Maderazo.

Susunod namang kakausapin ng Pangulo ang mga kinatawan ng print media.

AGOSTO

CAMP BAGONG DIWA

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

GINAWA

HONG KONG

JAKE MADERAZO

JESSICA SOHO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MARIA RESSA

MEDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with