MANILA, Philippines - Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang hostage-taker na si dating Sr. Insp. Rolando Mendoza sa bayan nito sa Tanauan City, Batangas kahapon.
Bumuhos ang emosyon sa libing ni Mendoza at ayon sa kanyang mga kaibigan, kahit mamamatay-tao ang tingin dito ng buong mundo, para sa kanila si Mendoza ay isang marangal na tao.
Nabatid na hiningi muna ng pari ang permiso ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bago nito binasbasan at binigyan ng misa si Mendoza.
Una nang binatikos ang paglalagay ng watawat sa kabaong ni Mendoza na ikinagalit ng Chinese government. Wala ring 21-gun salute na ibinigay sa napatay na hostage-taker.