^

Bansa

Autopsy report sa 8 hostages inilabas ng PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasawi sa tama ng bala ng malalakas na kalibre ng armas ang 8 turista sa madugong hostage na ikinamatay rin ng hostage-taker na si dating Sr. Inspector Rolando Mendoza.

Sa press briefing sa Camp Crame, ipinakita sa mediamen ni PNP Spokesman Sr. Inspector Agrimero Cruz ang autopsy at post mortem examination sa bangkay ng mga biktima, tatlo rito ay natukoy na Canadian national at lima naman ang Hong Kong nationals.

Tumanggi si Cruz na tukuyin ang mga pangalan ng mga nasawing turista na karamihan ay may tama ng bala sa ulo, leeg at katawan kung saan nilinaw na wala ring namatay sa pukpok ng maso at nalaslas ang leeg tulad ng mga naunang napabalita.

Pinawi rin nito ang espekulasyon na posibleng nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili si Mendoza dahilan wala itong ‘tattoing ‘ sa ulo at sniper ng SWAT ang nakabaril dito.

Si Mendoza ay may isang tama ng bala sa ulo, dalawa sa leeg at lima pa sa iba pang bahagi ng kaniyang katawan.

vuukle comment

CAMP CRAME

CRUZ

HONG KONG

INSPECTOR ROLANDO MENDOZA

MENDOZA

NASAWI

PINAWI

SI MENDOZA

SPOKESMAN SR. INSPECTOR AGRIMERO CRUZ

TUMANGGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with