Hustisya sa namatay sa hazing tiniyak ni Binay
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Vice-President Jejomar Binay na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay sa hazing ng isang estudyante ng University of Makati.
Sinabi din ni VP Binay sa magulang ng biktimang si Ej Karl Intia, 19-anyos, working student at nasawi matapos sumailalim sa hazing ng Alpha Phi Omega (APO) na dapat managot ang mga nasa likod ng pagkamatay ng estudyante.
Siniguro din ni Binay sa magulang ni Intia sa pagdalaw nito sa burol ng biktima na hindi niya poprotektahan ang mga miyembro ng APO kahit na siya ay isang alumni nito. Sinagot din ng bise-presidente ang gastusin sa pagpapalibing sa biktima ng hazing.
Limang miyembro ng APO ang boluntaryong sumuko sa pulisya na umano’y sangkot sa hazing na ikinamatay ni Intia at nakatakdang kasuhan ang mga ito sa araw na ito.
- Latest
- Trending