Tig-isang ninong, ninang lang sa binyag ng anak - CBCP
MANILA, Philippines - Gusto ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na limitahan sa isang pares lang ang kukuning ninong at ninang ng mga magulang para sa binyag at kumpil ng kanilang anak.
Ayon kay Fr. Melvin Castro, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), nakasaad sa Code of Canon Law na dalawa lamang ang dapat kuning baptismal sponsors, isang babae at isang lalaki, na siyang ninong at ninang at ang mga ito na rin ang siyang tatayong isponsor ng bata sa kanyang kumpil.
Paliwanag ni Castro, maraming magulang kasi ngayon ang kumukuha ng maraming ninong at ninang dahil ang ikinukonsidera ng mga ito ay ang pagkakaibigan at kinakalimutan na ang aktuwal na magiging papel ng mga ito sa binyag at confirmation ng kanilang anak.
Hinikayat din ni Cas tro ang mga magulang na “practicing Catholics” din ang kuning baptismal at confirmation sponsors ng kanilang mga anak upang masiguro na lalaki ang kanilang mga bata alinsunod sa Catholic teachings.
Hindi pabor ang Simbahan kung ang kukuning ninong at ninang ay hindi Katoliko dahil sa tungkulin umano ng mga ito na turuan at gabayan ang mga bata hinggil sa ispirituwalidad.
- Latest
- Trending