120,000 fighters ilusyon lang ng MILF - AFP
MANILA, Philippines - Ilusyon lamang umano ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ipinangangalandakan ng mga itong pagtataglay ng may 120,000 fighters sa kanilang mga balwarteng teritoryo sa Mindanao.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo David, wala rin umanong ‘show of force’ ang MILF rebels tulad ng mga napaulat lalo pa ngayon nasa panahon ng Ramadan ang mga Muslim.
Hinggil naman sa napaulat na pagsasanay ng MILF sa combat warfare o pakikidigma, sinabi ni David na normal lamang ito at hindi dapat ikaalarma.
Sa kabila nito, tiwala ang Chief of Staff na maisusulong ng administrasyon ni Pangulong Aquino ang peace talks laban sa MILF rebels.
- Latest
- Trending