Koreans inalok ni VP Binay na mag-invest sa RP housing

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Vice President Jejomar Binay ang dalawang malalaking investor groups sa South Korea na maglagak ng pondo sa Pilipinas, lalo na sa sektor ng pabahay.

Nagtapos ang 3-day visit ni Binay sa Korea, ang unang international trip niya matapos maging pangalawang pangulo ng bansa, kung saan pondo pa niya mismo ang kanyang ginamit kahit na ito ay isa pang official business.

Nakipagpulong din si Binay sa Daou at Kiwoom Group at Saekyung Group, kapwa sa sektor ng construction at engineering business. Ang Saekyung ay pasok rin sa construction at rental ng lowcost apartments.

Iginiit ni Binay ang commitment ng Aquino Government sa increased investments sa manufacturing at tourism, maging sa ilang sektor na tulad ng renewable at alternative energy.

Siniguro naman ni Binay sa mga mga investors na ang Philippine government ay determinado na lumikha ng isang predictable, level and transparent environment para sa pangangalakal at investment. Ang Koreans ay laging kabilang sa mga top investors sa Pilipinas.

Show comments