Kampanya ng DOH vs adik na driver nabalewala
MANILA, Philippines - Nabalewala ang pinalakas sanang kampanya ng Department of Health laban sa mga adik na driver sa bansa matapos maudlot ang interconnectivity program ng Land Transportation Office at DOH dahil sa umano’y paniningil sa kanila ng Stradcom Corporation, ang IT provider ng Land Transportation Office.
Ayon kay Dr. Benjie Reyes, head ng Bureau of Health Facilities and Services ng DOH, hindi na kailangan pang magbayad ang DOH ng IT fee sa Stradcom dahil inter-agency project naman ito at walang pondo ang DOH para magbayad.
“May basic services na offer kami sa kanila para mag-interconnect ang Stradcom sa DOH, may offer kaming training para staff nila, magbibigay kami ng software..kami na nga ang gagawa ng sistema at magpi-print ng tao na magpapa-drug test para computerized system pero dahil sinisingil kami, hindi ito natuloy kase wala namang pera ang DOH diyan at inter agency project naman yan e,” pahayag ni Dr. Reyes.
Bukod dito, sinabi ni Reyes na hindi rin handa ang sistema ng Stradcom para magreconnect sa kanilang sistema.
Noong LTO pa ang humahawak ng drug testing sa mga driver na kukuha ng drivers license, umaabot sa 2.3 milyong Pinoy ang hindi naisyuhan ng lisensiya ng LTO matapos magpositibo sa paggamit sa illegal na droga.
Ang Stradcom ang kokonekta sana sa DOH dahil ito ang IT provider ng LTO. Sinasabi ng DOH na LTO naman ang may hawak sa Stradcom kayat dapat ay ilibre na lamang sa kanila ang interconnectivity.
- Latest
- Trending