^

Bansa

Ex-PAGCOR chief bumuwelta vs mga kritiko

-

MANILA, Philippines – Binuweltahan kahapon ni dating PAGCOR chairman Ephraim Genuino ang mga kritiko nito na gina­gamit umano sya at ang kanyang pamilya upang sirain ang ahensya at maigiit ang planong pagsasa­pribado nito.

Ayon kay Genuino malinaw na ang paninira sa kanya sa naging pamamahala sa PAGCOR ay upang bigyang katwiran ang pagsasapribado sa government-owned and – controlled corporation na syang nangangasiwa sa casinos.

Malinaw umano na walang basehan ang mga akusasyon laban sa kanya partikular ang paggamit ng pondo ng PAGCOR partikular sa pagbili ng sako sako ng bigas para sa kandidatura ng kanyang anak na si Erwin na una nang tumakbo noong nakaraang eleksyon sa mayoral race sa Makati.

Sinabi ni Genuino na ang bigas na ipinamahagi ng kanyang anak noong eleksyon ay nagmula sa isang Japanese philanthropist na kaibigan ng kanilang pamilya at umaabot umano sa 10,000 sako ng bigas ang ibinigay nito.

Hinamon naman ni Genuino ang mga kritiko nito na isiwalat kung may mga anomalya sa PAGCOR, aniya, sa bawat bidding na isinasagawa sa ahensya ay mayroong mga pribadong tao na kinukuha para magsilbing testigo, isa na umano dito si Lauro Vizconde.

AYON

BINUWELTAHAN

EPHRAIM GENUINO

ERWIN

GENUINO

HINAMON

LAURO VIZCONDE

MAKATI

MALINAW

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with