^

Bansa

Monitoring group sa NAIA binuwag

- Ni Gem­ma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines – Binuwag ng Department of Justice (DOJ) ang Migration Compliance and Monitoring Group (MCMG) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ka­sabay ng pa­nibagong major revamp sa Bureau of Im­migration (BI) personnel.

Sinabi ni BI Officer in Charge Ronaldo Le­des­ma sa media briefing, sa pagbuwag sa MCMG pinalitan ito ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) na siyang mahigpit na susuri sa mga doku­mento ng mga papasok at papalabas na biyahero.

Itinalaga bilang TCEU Over all team leader si Benito Se kabilang sa Team leaders Norberto Quedado sa NAIA 1, Francis Dennis Robles sa NAIA 2 at Cecille Jo­nathan Orozco sa NAIA 3.

Matatandaan na na­una nang sinibak ni Le­desma base na rin sa kautusan ni Under­sec­retary Jose Vicente Sa­lazar na siyang chairman ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IA­CAT) at Under­sec­retary in charge sa BI si Fer­dinand Sampol, Chief ng Airport Operations Division (AOD) at pinalitan ni Atty. Arvin Cesar Santos.

Ang balasahan sa NAIA ay naunang ipinag utos ni Justice Secretary Leila de LIma upang tu­luyang mapuksa ang human trafficking activities sa bansa kung saan gi­na­gamit ang mga pangu­na­hing paliparan sa bansa.

Sinabi rin ni Ledesma na magsasampa sila ng kasong administratibo sa mga BI at NAIA personnel sa sandaling mapatu­nayang sangkot ang mga ito sa human trafficking.

Nilinaw pa ni Le­desma na kaya binuwag ang MCMG ay dahil sa gina­gamit umano ito sa human trafficking activities na nagtutugma na­man sa pa­hayag ni whis­tle blower na si Rachelle Ong.

AIRPORT OPERATIONS DIVISION

ARVIN CESAR SANTOS

BENITO SE

BUREAU OF IM

CECILLE JO

CHARGE RONALDO LE

DEPARTMENT OF JUSTICE

FRANCIS DENNIS ROBLES

INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

JOSE VICENTE SA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with