Bata bawal nang iangkas sa motorsiklo

MANILA, Philippines – Hiniling kahapon ni Sen. Ramon Revilla Jr. sa Senado na ipagba­wal na ang pag-aangkas ng batang pitong taong gulang pababa sa mga mo­torsiklo.

Sa Senate Bill No. 21 na inihain ni Sen. Re­villa, sinabi nito na ha­bang dumarami ang bilang ng mga motor­siklo sa lan­sangan, kapuna-puna rin ang pagdami ng mga magu­lang na nag-a­angkas sa kanilang mga anak kahit wala pa itong pitong taong gulang.

Sa panukala ni Re­villa, papatawan ng hin­di bababa sa P3,000 ang mga mahuhuling mag-aangkas ng mga bata sa unang pagla­bag; P5,000 sa ika­ la­wang paglabag at P10,000 sa ikatlong paglabag.

Kaugnay nito, sinabi ni Revilla na hindi na kailangang amiyendahan ang kakapasa pa lamang na Mandatory Helmet Law para isulong ang pangangalaga sa mga bata dahil maaari mag­pasa ng partikular na batas na magbabawal sa pag-aangkas ng mga bata.

Show comments