^

Bansa

Photo mosaic ni Cory pang-Guinness

- Nina Malou Escudero at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Inilatag na kahapon sa Quirino Grandstand sa Luneta ang higanteng photo mosaic ni da­ting Pangulong Corazon “Cory” Aquino na sinasabing pang-Guinness Book of World Records bilang pinakamalaking photo mosaic sa buong mundo.

Si Pangulong Noynoy Aquino ang nanguna sa okasyon na itinaon sa bisperas ng unang death anniversary ng kaniyang ina ngayong Agosto 1.

Ang photo mosaic kung saan makikita ang mukha ng dating Pangulo ay binubuo ng kaniyang mga litrato habang nanunungkulan pang pangulo ng bansa.

Sa tulong ng mga estudyante mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at iba pang sector, ipinakita sa publiko ang giant mo­saic na ginawa mula sa 30,000 larawan ng dating Pangulo na bigay ng kanyang mga kaibigan at taga-suporta.

Ang mosaic na may sukat na 250 by 250 feet ay inilagay sa isang tarpaulin. Mananatili ito sa elevated ground ng Quirino Grandstand sa loob ng isang linggo bilang bahagi ng paggunita sa pagkamatay ni Tita Cory.

Umabot umano sa P2 milyon ang halaga ng photo mosaic na ginawa ni STAR photo journalist Revoli Cortez at inisponsoran ng mga pribadong indibiduwal.

Sinabi ni Pangulong Aquino na sumisimbolo ang photo mosaic ng kaniyang ina sa pag-asa. 

“All through her life, she demonstrated love not only for her family, but also for every single Filipino,” sabi ni Aquino.

Samantala, isang misa ang idaraos ngayon sa St. Benilde gymnasium sa La Salle Greenhills, San Juan na dadaluhan ng magkakapatid na Aquino at pangungunahan ni Bishop Socrates Villegas.

Ang pagkamatay ng dating pangulo na tinatawag na “icon of democracy” ang naging mitsa upang hikayatin ng marami na tumakbong pangulo ng bansa si Pangulong Noynoy.

Namatay ang da­ting pangulo matapos ang halos ilang buwang pakikipag­laban sa sakit na colon cancer.

Pagkatapos ng programa at misa sa Greenhills, ang buong pamilya ay inaasahang magtutungo sa libingan nina Cory at ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa Manila Memorial Park.

Noong nakaraang Biyernes ay nagtanim ng mga punongkahoy na namumulaklak ng kulay dilaw ang kapatid ni Pangulong Noynoy na si Pinkly Abellada sa harap ng tahanan ng mga Aquino sa Times Street sa Quezon City na dinaluhan ng kanilang mga supporters.

Ang dilaw ang kulay na sumisimbolo kay da­ting Pangulong Cory at naging political color din ni Pangulong Noynoy nang tumakbo sa pagka-pangulo.

AQUINO

AQUINO JR.

BISHOP SOCRATES VILLEGAS

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

LA SALLE GREENHILLS

MANILA MEMORIAL PARK

PANGULO

PANGULONG NOYNOY

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with