P-Noy dinalaw ni Shalani

MANILA, Philippines - Dinalaw si Pangulong Aquino ng kanyang girlfriend na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad sa kanyang bahay sa Times St., Quezon City.

Sinabi ng Pangulo sa chance interview matapos itong dumalo sa 3rd Liga ng Barangay national convention na ginanap sa SMX convention center sa Mall of Asia, Pasay City, nagdala lamang ng cookies si Coun. Shalani sa kanya kahapon ng umaga.

Nang tanungin si P-Noy kung sila pa rin ba ni Shalani, ang naging tugon lang ng Pangulo ay “nandun nga siya kanina.”

Hindi man direktang sinagot ng Pangulo, ay ipinaramdam nitong sila pa rin ni Shalani dahil sa ginawang pagdalaw ng nobya sa kanya.

Show comments