Anti-corruption drive ni P-Noy sinuportahan
Malolos, Bulacan, Philippines – Sinuportahan ng Bantay Bayan Laban sa Katiwalian sa Pamahalaan (Lakap-Bayan) ang programa ni Pangulong Benigno Aquino III laban sa corruption.
Ayon kay Lakap-Bayan chairman Jan Allan Marcelino, matagal nang nakamasid ang kanilang grupo sa gobyerno mula sa Ramos hanggang Arroyo administration kaya naniniwala sila sa slogan ni P-Noy na ‘walang mahirap, kapag walang corrupt’.
Sinabi ni Marcelino, ang kanilang samahan ay binubuo ng mga aktibo at retiradong opisyal ng Presidential Security Group, AFP at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na seryosong tutulong saPangulo sa paglaban sa katiwalian.
“Tututukan namin ang mga itatalaga ni Pangulong Aquino sa pamahalaan lalo ang mga batid naming sangkot sa narco politics. Lalo ang mga mambabatas at local officials na sangkot umano sa pag-areglo sa kaso ng kilalang rice at suspect drug smuggler na si Kim Wong,” giit pa ng samahan.
Unang kinondena ng grupo ang pakikialam umano ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. sa pagtatalaga sa mga alipores ni Sen. Panfilo Lacson sa gobyerno.
May natanggap ding intelligence report ang grupo na nagbago na ng kanyang testimonya si dating Supt. Cesar Mancao laban kay Lacson na sinasabing ang ginamit daw na liaison ay si SPO4 Bacolod.
Siniguro ng grupo na babantayan nila ang mga iniluklok ni P-Noy sa ibat ibang posisyon sa gobyerno para masiguro na matutupad ang kanyang pangako na “daang matuwid”.
- Latest
- Trending