Bagong SLEX, hi-tech na daan patungong Timog
MANILA, Philippines – Inaasahang luluwag ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) dahil sa pag-upgrade ng daan na mula sa apat na lane na dinadaanan ay ginawa nang anim na lane kasama pa ang pagkakabit ng makabagong gadgets at highway extensions.
Ayon kay Dato Azmil Khalid, chairman ng South Luzon Tollway Corporation (SLTC), ang bagong SLEX ay pinalawak upang mapabilis ang biyahe sa buong Southern Luzon, mula Alabang sa Muntinlupa patungong Calamba.
Sinabi ni Khalid na naglagay din ng mga makabagong gadgets na 82 CCTV at video incident vetector (VID) cameras, electronic messagingboards, lighting fixtures at median barriers sa 29 kilometrong lawak ng SLEX papuntang Calabarzon upang mamonitor ang mga galaw ng mga sasakyan at sa planong highway robbery.
Nauna nang isinagawa ng SLTC ang inagurasyon ng SLEX link patungong Southern Tagalog Arterial Road o STAR Tollway at ang ground breaking ng extension nito hanggang Lucena City na magkokonekta naman sa Metro Manila patungong Calabarzon at mga katabing lugar.
- Latest
- Trending