Pawnshop owner kinasuhan ng tax evasion ng BIR
MANILA, Philippines - Sinampahan kahapon ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang may-ari ng isang kilalang pawnshop.
Si William Villarica, may-ari ng W. Villarica Pawnshop at may mga branches sa Caloocan City, Malabon, Marikina at Bulacan ay kinasuhan bunsod sa hindi tamang pagdedeklara ng tax noong taong 2009.
Sinabi ni BIR Comm. Kim Henares na nang beripikahin at suriin nila ang mga tax record ni Villarica ay lumitaw na mula 1998 hanggang 2009 ay P25 thousand lamang ang binayaran nitong tax.
Nagtataka din ang BIR kung paano nangyari na noong 2007 ay nagdeklara ito ng stop operation ng kanyang pawnshop kaya hindi ito nagbayad ng tax gayong nakabili pa ito ng Lamborghini sports car na nagkakahalaga ng P26million.
Idinagdag pa ni Henares na kasong paglabag sa ilang probisyon ng National internal revenue code of 1997 ang kanilang isinampa laban kay Villarica na may parusang pagkakakulong ng hindi bababa sa 10 taon.
Si Villarica ang kauna-unahang sinampahan ng kasong tax evasion nang manungkulan ang administrasyong Aquino.
- Latest
- Trending