11 'pampaganda' may mercury
MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko laban sa paggamit ng 11 beauty products na nagtataglay umano ng mataas na antas ng mercury.
Batay sa circular na inilabas ni FDA Director Nazarita Tacandong, kabilang sa mga produkto ay ang JJJ (Golden Package) Magic Spots Removing Cream (Spots Removing Super); Beauty Girl Double White Collagen Elastin Whitening Night Cream/Double White SPF17AP++ Whitening Day Cream; Yinni Green Tea Quick Acting Whitener & Speckle Remover Package (Yellow & White Cream); Glutathione Grapeseed Extract Whitening & Anti-Aging (Sanli International Cosmetic Group Co., Hong Kong); Doctor Bai Skin Revitalizing Skin Brightening (Doctor Bai Intensive White Revitalizing & Speckle Removing Set) (Hongkong Forever Beauty Cosmetic Hairdressing Co. Ltd.); Youngrace Age Defying Essence (Gelidai Jiabao Cosmetics Co. Ltd.); Gemli Glutathione Hydrolyzed Collagen Whitening & Anti-Aging (Sanli Intl. Cosmetic Group Co., Hongkong); Qiang Li Zeng Bai Qu Ban Wang Whitening Cream (Zhong Guo Haerbin Gelidai Jiabao Huazhuangpin Co. Ltd.); Shengli Day & Night Cream (pinamamahagi ng Shengli Trading in Binondo, Manila); S’Zitang Cream; at BIB Day Cream Whitening Cream - 921 (Biyibi Meirongpin Youxiangonsi Chupin-Taiwangsheng Gaoxiongshi Zhongshanbeilu 3289 Hao).
Ayon sa FDA, ang mga nasabing produkto ay napatunayang nagtataglay ng dumi na makasasama sa kalusugan at pangangatawan ng mamimili. Aniya, ‘one part per million ‘ lamang ang limit ng mercury sa mga produkto.
- Latest
- Trending