^

Bansa

Kritiko ni GMA publicity lang daw ang habol

-

MANILA, Philippines - Dapat umanong pairalin ang batas na batay sa ebidensiya at katotohanan at hindi sa kagustuhan lamang ng Sambayanan o ng ilang maiingay na grupo.

Ito ang panawagan ng civic group na Rotary Club Makati Central kay Truth Commission Chairman at dating Chief Justice Hilario Davide kaugnay ng paulit-ulit na pag-akusa sa media ng katiwalian laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo na wala naman anyang ibang dahilan kundi ang pagkauhaw sa publisidad ng mga kritiko nito.

Pinuna ng lider ng grupo na si Nards Tanlu na mismong Senado na at Ombudsman ang nagsiyasat at nagpa-walang sala kina Gng. Arroyo, na ngayon ay isa nang Congresswoman, at sa asawa nito sa umano’y mga katiwalian sa nakanselang  NBN-ZTE deal.

“Lahat naman ng testigo ay binigyan ng ilang buwan, hindi lamang araw o linggo kundi buwan, para maglabas ng ebidensya ng kanilang mga paratang,” ani Tanlu.  

Subalit hanggang sa tapusin ang mga imbestigasyon, kahit isa sa mga testigo ay wala umanong nailabas na kahit na anong ebidensiya o katibayan kundi ang kanilang mga salita.

Maging ang hindi abugado, ayon kay Tanlu, ay alam na ang batas ay ebidensiya ang pinagbabasehan at hindi salita lamang, lalo pa’t walang ibang makakapagpatunay ng mga salitang ito.

“Kaya’t malinaw na ang tanging hangad ng mga  walang tigil sa pag-aakusa sa mga Arroyo ay para lamang mailagay sa mga pahayagan o sa telebisyon, at makondis­yon ang isip ng mga tao, ” ayon pa kay Tanlu.

vuukle comment

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

DAPAT

GNG

NARDS TANLU

PANGULONG GLORIA ARROYO

ROTARY CLUB MAKATI CENTRAL

TANLU

TRUTH COMMISSION CHAIRMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with