Trabahador sa Pier nagpasaklolo kay P-Noy
MANILA, Philippines - Hinimok ng mga organisasyon sa North Harbor si Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III na agad kanselahin ang maanomalyang P14-bilyong redevelopment project sa North Harbor.
Dahil dito, nanawagan ang mga grupong United Dock Handlers Inc ng North Star Port Development Corp; Interport Stevedoring; at Pier 8 Arrastre and Stevedoring Arrastre Services Company Inc, na agad aksyunan ang kontrata para sa redevelopment project sa North Harbor upang maibalik sa normal ang operasyon sa isa sa mga pangunahing pantalan sa bansa.
Sa isang liham, sinabi ni retired Colonel at maritime stakeholder Leonardo Odo ño na dapat na agad makansela ang kontrata sa pagsasapribado ng North Harbor sa pagitan ng Philippine Ports Authority (PPA) at ng Manila North Harbor Port Inc. (MNHPI) consortium dahil sa simula pa lamang ay palyado na umano ang bidding para sa proyekto.
Binigyang diin ni Odoño na ang MNHPI consortium ang kaisa-isang bidder para sa P14- bilyong redevelopment project samantalang nakasaad sa batas na kailangang may dalawang bidders bago maisagawa ang isang matagumpay na bidding. Aniya, may kapangyarihan ang PPA na ipawalangbisa ang bid dahil ito ay maituturing na illegal ngunit ipinagpatuloy nito ang bidding kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso sa korte laban dito.
Ibinunyag pa ni Odoño na hindi nagsagawa ng beripikasyon ang PPA para mabatid ang kapasidad ng MNHPI para harapin nito ang responsibilildad at obligasyon sa pinasok nitong kontrata.
Nanawagan si Odoño para sa mga shipping service organizations, na agad panghimasukan ng Pangulong Aquino ang transaksyon para sa ikabubuti ng mga stakeholders sa North Harbor at para sa tuluyang modernasisasyon ng pantalan.
- Latest
- Trending