Contractual employees pinalawig ni PNoy

MANILA, Philippines - Pinalawig ng isang buwan ni Pangulong Noy­noy Aquino ang termino ng mga contractual employees ng gobyerno subalit iniutos nito sa mga non-career presidential appointees na lisanin na agad ang kanilang puwesto.

Sa Memorandum Circular no. 1 ni Pangulong Aquino, sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., na ang lahat ng contractual employees na nagta­ pos ang kontrata nitong June 30 ay binigyan ng extension hanggang July 31.

Sinabi ni Exec. Sec. Ochoa, mahigpit din ang kautusan ni P-Noy sa mga non-career presidential appointees na agad na lisanin ang kanilang pu­westo simula noong June 30 kung saan ay nagtapos ang kanilang termino bilang co-terminus sa da­ting Pangulong Arroyo.

Magugunita na mahigit 4,000 posisyon sa gob­yerno kabilang ang mga co-terminus ang naba­kante sa pag-alis ni PGMA bukod pa dito ang may 50,000 na bakanteng po­sis­yon sa gobyerno.

Show comments