Contractual employees pinalawig ni PNoy
MANILA, Philippines - Pinalawig ng isang buwan ni Pangulong Noynoy Aquino ang termino ng mga contractual employees ng gobyerno subalit iniutos nito sa mga non-career presidential appointees na lisanin na agad ang kanilang puwesto.
Sa Memorandum Circular no. 1 ni Pangulong Aquino, sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., na ang lahat ng contractual employees na nagta pos ang kontrata nitong June 30 ay binigyan ng extension hanggang July 31.
Sinabi ni Exec. Sec. Ochoa, mahigpit din ang kautusan ni P-Noy sa mga non-career presidential appointees na agad na lisanin ang kanilang puwesto simula noong June 30 kung saan ay nagtapos ang kanilang termino bilang co-terminus sa dating Pangulong Arroyo.
Magugunita na mahigit 4,000 posisyon sa gobyerno kabilang ang mga co-terminus ang nabakante sa pag-alis ni PGMA bukod pa dito ang may 50,000 na bakanteng posisyon sa gobyerno.
- Latest
- Trending