^

Bansa

PDEA nangalampag ng tulong vs droga

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kasabay ng pag­pa­sok ng bagong admi­nis­tras­yong Aquino, uma­pela ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lahat ng sek­tor na tulungan sila sa kanilang paglaban sa ilegal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Dionisio San­tiago, nakatakdang isulong sa pagbubukas ng 15th Congress ang ilang pro­bisyon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan nais nilang isama sa naturang batas ay batay mismo sa mga aktwal na karanasan ng ahensya sa pakikipag­laban sa ilegal na droga.

Sinabi pa ni Santiago, may mga pagkakataong ang mga nahuhuli nilang nagtutulak ng ilegal na droga ay mga miyembro ng pamilya na kung saan ay napipilitang pasukin ang nasabing ilegal na gawain dahil na din mis­mo sa ka­wa­lan ng ma­ayos na trabaho.

Dahil sa mga gani­tong pangyayari, ayon pa sa opisyal, inirereko­menda niya na patawan na la­mang ng mandatory community service ang mga mahuhuling nagtu­tulak ng droga lalo na ang mga ma­huhuli sa unang paglabag.

Dagdag ng opisyal,sa kasalukuyan, nakikipag­tulungan ang kanilang ahensya sa iba pang sangay ng pamahalaan para sa pagsugpo sa bawal na gamot.

Nanawagan din si Santiago sa mga ma­lalaking kumpanya na gampanan nito ang ka­nilang tungkulin sa lipu­nan sa pagtulong na ma­sugpo ang operasyon ng ilegal na gamot sa bansa.

Hinikayat ng ahensya na tulungan sila ng priba­dong sektor upang punan ang mga proyektong ma­kakatulong upang ma­iwasan ang bawal na gamot tulad ng isports at iba’t ibang kumpetisyon.

Tulungan din anya sila ng malalaking kum­panya na makilahok sa mas ligtas ngunit epek­tibong paraan ng pagla­ban sa ilegal na gamot sa bansa.

AQUINO

AYON

DAGDAG

DAHIL

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

HINIKAYAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with