^

Bansa

AFP blangko pa sa 2 tropa na dinukot ng NPA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Blangko pa rin ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kalagayan ng dalawang government troop na dinukot ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) kamakailan sa Compostela Valley.

Ito ang pag-amin ni Capt. Emmanuel Garcia, taga­pagsalita ng 10th Infantry Batallion ng Philippine Army, dahil wala pa rin anyang ipinapalabas na “proof of life” ang mga teroristang NPA na nagpapatunay na buhay pa sina Staff Sergeant Bienvinido Arguilles, miyembro ng 25th Infantry Battalion ng Philippine Army, at Job Latiban, miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Ayon kay Garcia, sa kabila nito naniniwala silang buhay pa ang dalawa at hindi sila ginagawan ng kala­pastanganan at paglabag sa karapatang pantao ng mga dumukot sa kanila.

“We are doing everything in our capacity to rescue them safety and to bring them back to their families at sana itong mga susunod na araw ay magkaroon tayo ng successful na rescue operation,” sabi pa ni Garcia.

Sina Arguilles, at Job Latiban ay dinukot ng may 30 armadong NPA habang sakay ng isang motorsiklo sa may Sitio Mabatas, Brgy. Upper Ulip.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CITIZEN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

COMPOSTELA VALLEY

EMMANUEL GARCIA

GARCIA

INFANTRY BATALLION

INFANTRY BATTALION

JOB LATIBAN

NEW PEOPLES ARMY

PHILIPPINE ARMY

SINA ARGUILLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with