^

Bansa

Sa oath-taking ni Aquino: Bgy. capt. ang hahawak ng Bible hindi si Shalani

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Hindi ang kasintahan ni President-elect Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang napili na hahawak ng Bibliya sa oras ng panunumpa nito sa June 30 sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Maria Montelibano, pinuno ng inaugural committee ni PNoy, ang napiling bible holder sa inagu­rasyon ni Aquino ay si barangay chairman Eugenio Perez ng Tarlac.

Naunang sinabi ni Aquino na nais niyang manumpa na lamang sa isang barangay chairman kaysa kay SC Chief Justice Renato Corona. Ang pinili naman ni PNoy para manumpa siya ay si SC Associate Justice Conchita Carpio-Morales pero inimbitahan din naman nito ang lahat ng miyembro ng Korte Suprema kabilang si Corona.

Sa naging tradisyon sa inagurasyon ay ang may­ bahay o kabiyak ng manunumpang Pangulo ang huma­hawak ng bibliya.

Sa panunumpa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo­ ay si First Gentleman Mike Arroyo ang humawak ng bibliya habang sa panunumpa ni dating Pangulong Erap Estrada ay si dating Sen. Loi Ejercito-Estrada ang humawak ng bible at si dating First Lady Amelia Ramos ang humawak naman ng bibliya sa panunumpa ni dating­ Pangulong Fidel Ramos.

Dahil binata ang ika-15 Pangulo na si Aquino at may kasintahan na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad ay inasahang ito ang mapipiling hahawak ng bibliya sa panunumpa ni PNoy.

Noong proklamasyon ni Aquino noong June 9 sa National Board of Canvassers (NBOC) ay hindi rin inim­bi­tahan si Coun. Shalani upang samahan si Noynoy sa podium at maging sa ginanap na salu-salo sa isang restaurant bilang blow-out ni PNoy sa kanyang mga pamilya at mga kaibigan.

AQUINO

ASSOCIATE JUSTICE CONCHITA CARPIO-MORALES

BENIGNO SIMEON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

EUGENIO PEREZ

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

FIRST LADY AMELIA RAMOS

KORTE SUPREMA

LOI EJERCITO-ESTRADA

MARIA MONTELIBANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with